Pag mahal mo ang isang tao, palayain mo. Kapag bumalik siya, ibig sabihin wala siyang pamasahe.
Siguro ganun talaga ang buhay. May mga bagay na kahit anong buhos mo ng effort o kahit gaano pa ang tindi ng kagustuhan mong makuha ay hindi mapapasaiyo kung hindi nakatakda sa isang invisible na script na kung tawagin ay tadhana.
Matagal na din akong naghintay dito sa bus stop sa pag-aakalang babalik sya, na muli siyang dadaan at sabay kaming aalis. Lumipas na ang ulan. Mataas na ang sikat ng araw. Pero mag-isa pa rin ako dito. Siguro naman, ito na ang tamang panahon para sum...